Tuesday, December 15, 2015

Kahon sa Dalampasigan

isinulat ni Martha Jewel Gonzales 

Mayroong magkapatid nagngangalang Antonio at Aaron na nakatira sa malapit sa dalampasigan. Isang araw ay may nakita silang isang kahon na paalonalon sa tubig. Agad naman itong kinuha ni Aron at ipinakita sa kanyang nakakatatandang kapatid. Makikita sa panlabas na anyo nito na ang kahong ito na gawa sa kahoy ay matagal nang na sa tubig at may sira na. Mayroong nakaukit na sulatin sa harap nito ngunit nabigo silang maintindihan ito sapagkat masyado na itong malabo upang mabasa. Napukaw nito ang interes ng magkapatid kaya naman napagdesisyunan nilang buksan ang kahon. Sa loob nito ay mayroong litrato ng isang batang babae na nakangiti, kitang kita sa kanyang tila inosenteng mga mata ang kanyang ang kabataan. Maiitatayang mga apat na taong gulang. Sa kanilang Ta na paguusisa, may natagpuan silang pangalan at adress ng isang lugar na nakasulat sa likod ng litrato, na dapat sana'y nabura na ng tubig tulad ng nakaukit sa kahon ngunit mapag biro talaga ang tadhana. Napansin sin ni Antonio sa loob ng kahon ang isang laso na kulay pula at isang maliit na 'porcelaine doll'.  
Sapagkat ang mga nilalaman ng kahon ay tila walang pakinabang sa kanila, sinabi ni Antonio na itapon na lamang ito muli sa dagat. Ngunit hindi sumangayon si Aaron, nais sana niyang ibalik ito sa nagmamayaari nito natapos makit ang pangalan at address ba naksulat sa litrato. Hindi nga naman masyadong malayo ang lugar na nandoon sa adress, sa katotohanan kailangan lamang nila lumabas ng bayan at tumawid ng isang tulay ngunit pwedeng abutin sila ng isang buong araw upang magawa ito. Dahil sa katamaran Hindi sinangayunan ni Antonio ang desisyon ng mas nakababatang kapatid, at nagkaroon sila ng isang argumento tungkol dito. Sa huli ay umalis din si Aaron ng magisa habang kitang kita ang simangot sa mukha ni Antonio habang papalayo ng papalayo ang kanyang kapatid patungo sa mayari ng kahon.

Madilim na ng makarating si Aaron sa tinituhungan at maingay sa kanyang isipan ang mga salita ng kanyang kuya. Gayunpaman ay patuloy pa rin ito sa paglalakad, nang makita niya sa kanyang harapan ang isang matandang lalaki na dapat sanay pagtatanungan niya ng tulong, kung hindi niya napansin ang mga luhang biglang namuo sa mga mata ng lalaki na masilayan ang kahon sa kanyang kamay. Nilapitan siya niyo at tinanong kung saan natagpuan ng binata ang kahon. Pagkatapos sumagot ni Aaron sa kanyang mga katanungan tuluyan ng umiyak ang matandang lakake. Ang pangalan pala nito ay Segovio at ang kahong nasa kanyang mga kamay ay ang naglalaman ng tanging natirang alaala ng anak na si Crista matapos nitong mamatay dahil sa pagkalaglag sa bangin. Ang kahong iyon ay itinapon naman sa parehong bangin ni Ginoong Segovio dahil sa lungkot at galit sa pagkawala ng pianakamamahal na anak, na naramdaman niya.Lubos na pinagsisihan ito ni Segovio at matagal na pala niyang hinahanap. Ligaya at saya ang bumalot sa kanyang puso nang nakita niya ang kahon nadaladala ni Aaron. Dahil sa lubos na pagkatuwa sa kabutihang nagawa ng binata binigyan nito ng pabuya si Aaron bilang pasasalamat at binigyan ng lugar na matutuluyan at pagkain bago ito umalis.

Umaga ng sumunod na araw ay umuwi si Aaron ng busog, nakangiti at may mabigat na bulsa na napansin ng kanyang kapatis. Agad agad namang naghanap ngayonsi Antonio ng palutang lutang na kahon sa dalampasigan, umaasang matutulad sa kapalaran ng kapatid.

No comments:

Post a Comment