Tuesday, December 15, 2015

Nasa Huli ang Pagsisisi

isinulat ni Shanen Dorothy Mangaliman

Isang araw isinilang ang batang ubod ng ganda ngunit habang lumalaki sya ay natutuklasan nila ang ugali nito na masama. Hindi nila malaman bat ganun ang batang si Lisa dahil ubod ng kabutihan sa puso ang mga magulang niya. Ambisyosa, matapobre, at mapagmataas ito. Dumating ang araw ng kanyang ika-18 na kaarawan nakilala nya ang binatang si Luis at nagkaibigan sila sa loob ng isang taong pagkikita.

Hanggang sa dumating ang araw ng kasal akala ni Lisa na magiging maayos lahat dahil mayaman at gwapo ang kanyang iniirog. Hanggang sa dumampi ang labi nila sa isa't isa nagulat si Lisa ng biglang nagbago ang anyo ni Luis siyang unti-unting pumangit, mabilis na tumanda at namatay. Naisip ni Lisa na maaaring ito ang kabayaran sa mga kasalanan niya, ang mawalaan ng pinakamamahal. Nasa huli nga talaga ang pagsisisi. Kasabay nito'y siya'y nagpakamatay sa labis na kalungkutan.

Kahon sa Dalampasigan

isinulat ni Martha Jewel Gonzales 

Mayroong magkapatid nagngangalang Antonio at Aaron na nakatira sa malapit sa dalampasigan. Isang araw ay may nakita silang isang kahon na paalonalon sa tubig. Agad naman itong kinuha ni Aron at ipinakita sa kanyang nakakatatandang kapatid. Makikita sa panlabas na anyo nito na ang kahong ito na gawa sa kahoy ay matagal nang na sa tubig at may sira na. Mayroong nakaukit na sulatin sa harap nito ngunit nabigo silang maintindihan ito sapagkat masyado na itong malabo upang mabasa. Napukaw nito ang interes ng magkapatid kaya naman napagdesisyunan nilang buksan ang kahon. Sa loob nito ay mayroong litrato ng isang batang babae na nakangiti, kitang kita sa kanyang tila inosenteng mga mata ang kanyang ang kabataan. Maiitatayang mga apat na taong gulang. Sa kanilang Ta na paguusisa, may natagpuan silang pangalan at adress ng isang lugar na nakasulat sa likod ng litrato, na dapat sana'y nabura na ng tubig tulad ng nakaukit sa kahon ngunit mapag biro talaga ang tadhana. Napansin sin ni Antonio sa loob ng kahon ang isang laso na kulay pula at isang maliit na 'porcelaine doll'.  
Sapagkat ang mga nilalaman ng kahon ay tila walang pakinabang sa kanila, sinabi ni Antonio na itapon na lamang ito muli sa dagat. Ngunit hindi sumangayon si Aaron, nais sana niyang ibalik ito sa nagmamayaari nito natapos makit ang pangalan at address ba naksulat sa litrato. Hindi nga naman masyadong malayo ang lugar na nandoon sa adress, sa katotohanan kailangan lamang nila lumabas ng bayan at tumawid ng isang tulay ngunit pwedeng abutin sila ng isang buong araw upang magawa ito. Dahil sa katamaran Hindi sinangayunan ni Antonio ang desisyon ng mas nakababatang kapatid, at nagkaroon sila ng isang argumento tungkol dito. Sa huli ay umalis din si Aaron ng magisa habang kitang kita ang simangot sa mukha ni Antonio habang papalayo ng papalayo ang kanyang kapatid patungo sa mayari ng kahon.

Madilim na ng makarating si Aaron sa tinituhungan at maingay sa kanyang isipan ang mga salita ng kanyang kuya. Gayunpaman ay patuloy pa rin ito sa paglalakad, nang makita niya sa kanyang harapan ang isang matandang lalaki na dapat sanay pagtatanungan niya ng tulong, kung hindi niya napansin ang mga luhang biglang namuo sa mga mata ng lalaki na masilayan ang kahon sa kanyang kamay. Nilapitan siya niyo at tinanong kung saan natagpuan ng binata ang kahon. Pagkatapos sumagot ni Aaron sa kanyang mga katanungan tuluyan ng umiyak ang matandang lakake. Ang pangalan pala nito ay Segovio at ang kahong nasa kanyang mga kamay ay ang naglalaman ng tanging natirang alaala ng anak na si Crista matapos nitong mamatay dahil sa pagkalaglag sa bangin. Ang kahong iyon ay itinapon naman sa parehong bangin ni Ginoong Segovio dahil sa lungkot at galit sa pagkawala ng pianakamamahal na anak, na naramdaman niya.Lubos na pinagsisihan ito ni Segovio at matagal na pala niyang hinahanap. Ligaya at saya ang bumalot sa kanyang puso nang nakita niya ang kahon nadaladala ni Aaron. Dahil sa lubos na pagkatuwa sa kabutihang nagawa ng binata binigyan nito ng pabuya si Aaron bilang pasasalamat at binigyan ng lugar na matutuluyan at pagkain bago ito umalis.

Umaga ng sumunod na araw ay umuwi si Aaron ng busog, nakangiti at may mabigat na bulsa na napansin ng kanyang kapatis. Agad agad namang naghanap ngayonsi Antonio ng palutang lutang na kahon sa dalampasigan, umaasang matutulad sa kapalaran ng kapatid.

Tadhana

isinulat ni Elyssa Mae Cube

         Si Prinsesa Lisa ay isinilang nang may taglay na kakaibang ganda. Mahusay sa pagpipinta ang dalaga, marunong din itong umawit, at iba pa, ngunit sa kabila ng lahat, siya ay labis na nalulungkot dahil wala siyang kaibigan. Ito'y napansin ng kanyang amang hari kaya naman naisip ng hari na magkaroon ng salu-salo sa kanilang kaharian at inimbitahan lahat ng mga binibini at ginoo.

          "Mahal kong anak, ako'y tumatanda na, sana mahanap mo na ang lalaking itinakda ng tadhana para sa iyo." sabi ng ama ng prinsesa

        Gabi na ng salu-salo, maraming mga ginoo at binibini ng iba't ibang kaharian ang dumalo. Maraming ginoo ang nakasalamuha ng prinsesa ngunit siya'y nababagot na buti nalang mayroon siyang nakilalang mga bagong kaibigan, sina Prinsesa Cecilia ng Kaharian ng Rizal at Prinsesa Julienne ng Kaharian ng Batangas, sila'y labis na nagkakasundo dahil pare-pareho sila ng hilig, mag-pinta, umawit, at iba pa.

             "Sandali lamang at ako'y may kukunin sa aking silid." sabi ni Prinsesa Lisa

              Habang naglalakad si Prinsesa Lisa ay may nakabunggong lalaki sa kanya.

              "Paumanhin binibi-, Prinsesa Lisa kayo po pala iyan." sabi ng ginoo
         
               "Ayos lang. Ano nga pala ang pangalan mo?" ani ng prinsesa

               "Ako nga pala si Prinsipe Zakarias ng Kaharian ng Noveleta, ikinlulugod kong makilala ka," pagpapakilala nito sa sarili.

                Lumipas ang panahon hindi akalain ni Prinsesa Lisa na sila'y magiging malapit sa isa't isa ng Prinsipe Zackarias ngunit sa kabila nito, ang ama ni Prinsesa Lisa ay unti-unti nang nanghihina, ang hiling nito ay magpakasal na siya upang umabot pa siya sa araw ng kaniyang kasal. 'Di nagtagal, nagkatuluyan si Prinsesa Lisa at Prinsipe Zackarias at ito'y mauuwi na sana sa kasalan nang malaman ni Prinsesa Lisa na siya ay may sakit sa baga at hindi na tatagal ang kanyang buhay, ang sakit na ito ay minana niya sa kanyang ina. Ayon sa mga manggagamot, may posibilidad na mauna pang mawala si Prinsesa Lisa kaysa sa hari, at nangyari nga ito. Labis ang paghihinagpis ng amang hari at ni Prinsipe Zackarias.

                   "Pinagtagpo lamang pala tayo ng tadhana pero hindi tayo ang itinakda para sa isa't isa." huling sabi ng humahagulgol na si Prinsipe Zackarias

Lupain ng Tsokolate


 isinulat ni Cyneil Gerson Cruz

Sa buong siyudad ng Caloocan, sa may ika-sampung avenue, ay wala ka nang mahahanap pang mas tamad kaysa kay Nelson. Hindi naman sa hindi sinubukan ng kanyang mga magulang na gawin siyang kapakipakinabang na bata pero sadyang tamad lang talaga ito. Wala na nga yatang paraan para gawing masipag si Nelson.

Isang araw, pinagtripan ni Nelson ang kanyang ina. Ginalit niya ito ng sobra hanggang sa umabot sa puntong hahampasin na siya nito. Alam niyang galit na galit ang kanyang ina kung kaya't nagpasiya siyang lumayas muna. Siya ay naglakad siya nang sobrang layo hanggang sa makarating siya sa isang nayon na isa o dalawang tao pa lamang ang nakabisita. Napakaganda sa lugar na iyon ngunit sobrang layo nito. Pagkalipas ng ilang araw ay naisipan niya nang umuwi dahil wala na siyang makain at wala siyang matulugan. Nang siya'y makauwi ay nakalimutan na ng kanyang ina na pagalitan siya dahil sa sobrang tuwa sa pagbabalik ni Nelson. Ikinuwento ni Nelson kung ano ang nangyari sa kanya at nag-imbentong lupain ng tsokolate ang napuntahan niya.

Sa buong siyudad ng Caloocan, sa may ika-sampung avenue, ay wala ka nang mahahanap pang mas tamad kaysa kay Nelson. Hindi naman sa hindi sinubukan ng kanyang mga magulang na gawin siyang kapakipakinabang na bata pero sadyang tamad lang talaga ito. Wala na nga yatang paraan para gawing masipag si Nelson. Isang araw, pinagtripan ni Nelson ang kanyang ina. Ginalit niya ito ng sobra hanggang sa umabot sa puntong hahampasin na siya nito. Alam niyang galit na galit ang kanyang ina kung kaya't nagpasiya siyang lumayas muna. Siya ay naglakad siya nang sobrang layo hanggang sa makarating siya sa isang nayon na isa o dalawang tao pa lamang ang nakabisita. Napakaganda sa lugar na iyon ngunit sobrang layo nito. Pagkalipas ng ilang araw ay naisipan niya nang umuwi dahil wala na siyang makain at wala siyang matulugan. Nang siya'y makauwi ay nakalimutan na ng kanyang ina na pagalitan siya dahil sa sobrang tuwa sa pagbabalik ni Nelson. Ikinuwento ni Nelson kung ano ang nangyari sa kanya at nag-imbentong lupain ng tsokolate ang napuntahan niya. Nagsimula ng magpaikot-ikot si Nelson habang buhat niya si Mandela na nasa sako. Nang makatulog na si Mandela sa sako ay sinabit niya ito sa puno at inuwi ang tinapay na baon nilang dalawa.

Saturday, December 12, 2015

Ang Mansyon

isinulat ni Carl Jayson Angeles

Sa ilalim ng kabilugan ng buwan, masisilayan ang isang mansyon sa gitna ng kagubatan. Ang mga lobo'y nagsimula ng umalulong, ang mga ibo'y nagsiliparan na at ang mga hayop sa gubat ay nagsipagtatago na sa kanilang mga lungga. Ito'y isang hudyat na may masamang mangyayari ngayong gabi. Umalingawngaw sa buong kagubatan ang napakalakas na sigaw na nagmula sa loob ng mansyon. Sa kabilang banda, masayang nagkukuwentuhan ang magkakapatid na sina Mar, Jojo at Noynoy. Nagkayayaan ang magkakapatid na magtungo sa mansyon ng mga demonyo. Ang mansyong iyon ay laging nababanggit sa kanilang tatlo ng kanilang lolo noong bata pa sila. Ito raw ay pinaniniwalaang tinirhan ng isang pamilyang kalahating demonyo at kalahating tao. Ang pamilyang ito ay pinaslang ng mga taong bayan sa pamumuno ng mga kaparian.

Pagkarating ng tatlo sa mansyon ay laking gulat nila dahil bukas ang pinto nito. "Talaga nga namang sinusuwerte tayo", sabi ni Mar. Agad silang pumasok sa mansyon at namangha sa kagandahan nito. Mistulang bagong-bago pa ito at walang bahid ng dumi at alikabok sa paligid. Pumanik kaagad sa itaas ang tatlo upang humanap ng kanya-kanyang kwarto. Humiwalay ng kwarto si Jojo samantalang magkasama naman sina Mar at Noynoy. Pagkapasok ni Jojo sa kanyang kwarto ay sinara niya agad ang pinto at natulog. Kinabukasan, pinuntahan ni agad ni Jojo ang dalawa niyang kapatid sa kanilang kwarto ngunit laking gulat niya ng makitang wala ang mga ito sa kanilang kwarto. Hinanap niya ang mga ito sa buong mansyon ngunit siya'y nabigo. Inisip niyang baka lumabas lang ang dalawa kaya siya'y lumabas upang hanapin ang mga ito.

"Tulong!", sigaw na nagmula sa loob ng mansyon. Kumaripas ng takbo si Jojo at sinundan ang kung saan nagmumula ang sigaw. Siya ay nakarating isang kwarto at nang binuksan niya ito ay sumambulat sa pagmumukha niya ang bangkay ng dalawa niyang kapatid na naliligo sa sariling dugo at wala nang lamang loob. Sa sobrang takot niya ay napatakbo siya at nagsisisigaw palabas ng mansyon. Laking gulat niya ng makitang nakakandado na ang pinto at lahat ng pwedeng labasan sa mansyon. Tarantang-taranta na siya at hindi malaman anf gagawin. Naisip niyang magtago na lamang sa kwartong kanyang tinulugan. Agad siyang pumunta sa kanyang kwarto at kinandado lahat ng pwedeng pasukan dito. Kinuha niya ang kanyang telepono sa kanyang bag para humingi ng tulong ngunit wala na pala itong baterya. Hindi na siya mapakali at panay ang kanyang paghalakhak na animo'y nababaliw na. Nakarinig siya muli siya ng sigaw at isinisigaw nito ang kanyang pangalan. Bumalik ang kanyang katinuan at tumingala sa itaas at nagdasal at saka nawalan ng malay. "Jojo!", sigaw ni Noynoy. "Gising! Binabangungot ka!" Nagising bigla si Jojo at pawis na pawis. "Hay salamat panaginip lang pala", wika ni Jojo sabay buntung hininga. Nang akmang yayakapin niya na ang kanyang mga kapatid ay nagsalita ang dalawa, " Hindi ka nananaginip Jojo"